Home » Entertainment » Julie Anne San Jose nagpainit

Julie Anne San Jose nagpainit

 

JULIE Anne San Jose (FB)

JULIE Anne San Jose (FB)

TILA hindi apektado ang Kapuso actress na si Julie Anne San Jose sa balitang nakahanap na raw ng iba ang ex-boyfriend niyang si Benjamin Alves, ilang buwan lang matapos silang mag-break.

Kung ang ibang iniwan ay maraming hanash sa social media, si Julie Anne naman ay iba.

Imbes na magmukmok, ibinalandra pa lalo nito ang seksing katawan.

Ito nga at pinag-init na naman niya ang ilang followers sa isang pool photo niya kung saan kitang -kita ang kurbada niyang pamatay.

Aprubado ito ng sanrekwang followers na binigyan agad ito ng higit kumulang na 115,000 likes.

Anong sey mo, Benjamin? (DELIA CUARESMA)

comments