Home » Entertainment » Sunshine Cruz nagpakawala

Sunshine Cruz nagpakawala

 

SUNSHINE Cruz (IG)

MADALAS nilalagay natin sa pedestal ang mga pamosong artista na tila baga sila’y mga diyos.

Pero hindi maitatatwa na sa kabila ng kanilang anking ganda, yaman at kasikatan, tao rin lang ang mga ito.

Ito nga at umamin ang seksing si Sunshine Cruz na minsan siyang nautot habang minamasahe sa isang sikat na spa.

Aniya sa “Tonight with Boy Abunda” nakadapa raw siya nang mangyari ang insidente. Dahil sa lakas ng pagdagan ng pagmasahe sa kanyang likod, sumambulat ang malakas na hangin galing sa kanyang behind.

Dumiskarte si Sunshine, ang ginawa niya umubo siya ng malakas para hindi mahalata ng masahista ang masamang hangin na lumabas.

May kabag siguro that time ang aktres.

Ang tanong, nabahuan kaya ang masahista o dinedma lang?

Anu’t ano pa man, para na rin huwag siyang ichismis o ibuking ng masahista nagbigay si Sunshine ng malaking tip dito. Mas malaki pa raw sa ibinayad niyang oras sa spa.

Pero never na raw bumalik ang aktres sa same spa ever. (DANTE A. LAGANA)

comments