Home » Entertainment » Hubad na katotohanan

Hubad na katotohanan

 

kampupot

NAGKALAT ngayon sa social media ang mga hubad na larawan ng dating dyowa ng isang self confessed gay (SCG) celebrity.

Pinagpipiyestahan ito ngayon ng mga beki na ika eh, talaga namang may “K” daw magbuyangyang ang jowa. Tsugug na tsugug!

Hindi na raw bago ito dahil kahit noong sila pa raw ng SGC, talaga namang mahilig magpa-picture ang subject na medyo may pagka-exhibitionist. Siguro nga dahil sa may angking ganda ng katawan, malakas ang loob magyabang.

Same rin si SGC na mahilig din noon magpa-picture ng mga sexy shots pero unlike ang dating karelasyon, hubad kung hubad daw ito. Eva, este Adan lang ang peg.

Last year lang naghiwalay ang magjowa.

After the failed relationship, naging busy si SGC sa mga showbiz commitments at wala raw siyang planong magmahal muli. Well, at least for now.

Last 2016 lang umamin sa publiko ng tunay niyang sexual orientation si SGC.

Dahil sa dami ng giveaway clues malamang gets na ninyo kung sino ang dating magdyowa na ito.

Ang tanong, ano kaya reaction ni SGC sa mga naglabasang nude pics ng dating baby niya? May keber kaya siya? (DANTE A. LAGANA)

comments