Home » Entertainment » Catriona Gray aktres na?

Catriona Gray aktres na?

 

CATRIONA Gray

CATRIONA Gray

MARAMI ang na-excite sa post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ka­ma­kai­lan.

Ito ay isang video kung saan makikitang naglalakad siya sa daan, habang napa­paligiran ng mga taong tila kinikwestiyon ang pagkatao niya.

Kasama sa mga kataga na ginamit sa teaser ay “you’re not deserving,” “not good enough,” at “insecure.”

May marquee pa sa isang sinehan na nagtatanong ng “sino ka ba?”

Ani Catriona sa caption, she’s been “anxiously wait­ing for the moment the rest of the world gets to finally see this.”

Dagdag pa niya, “I feel like you will relate to the story and message once you watch this gorgeous film. Soon!”

Tanong ng ilan: Mag-a-artista na ba si Ca­triona?

Wala pang bagong statement si Catriona dito pero kung totoo man, isa kami sa mga matutuwa.

Sana sexy ang pe­likula. Charot! (DELIA CUARESMA)

comments