Home » Entertainment » Ivana Alawi dawit sa booking scam

Ivana Alawi dawit sa booking scam

 

IVANA Alawi (IG)

NAGU­LAT kami sa pasiklab ng isang online booking agency dealing with es­corts.

Aba’y sukat ba naman ipanga­landakan na isa sa mga talents nila ang seksing-seksing si Ivana Alawi.

Gamit ang picture ng model-turned-actress, inanusyo ng agency na P2.6M raw ang halaga ni Ivana para sa isang oras, at P4.7M naman para sa dalawang oras.

Diin pa ng agency, “We provide a service that is real, profes­sional and respectful.”

Naku! Alam kaya ni Ivana ito?

Hindi siya ang unang artistang nasangkot dito.

Kamakailan lang ay ibinalita ni Jackie Rice na ginagamit din ng isang booking agency ang kanyang litrato at pangalan para manghikayat ng customers.

Obviously, kalokohan ito.

Kung totoo ito, hindi ganoon kalantaran sana.

Aba’y may mga pangalan na rin somehow ang mga artistang binabanggit nila, huh!

At mantakin mo ‘yung presyo, milyun-milyon!

Hay naku, kanya-kanyang gimmick na talaga sa Internet ngayon! (DELIA CUARESMA)

comments