NAGPUPUTAK sa social media ang seksing Korean actress-model na si Jinri Park.
Sey niya sa Twitter: “Why can’t clients pay on time yet demand so much from talents.”
Wala naman binaggit si Jinri na mga shows o kumpanya.
Patuloy niya, “Clients demand so much professionalism from talents yet they lack so much of it themselves.”
Puwede rin daw niya banggitin kung sino ang tinutukoy niya pero “I’m still being professional and patiently waiting.”
Pero tila may pagbabadya siyang dagdag, “Now 3-4years of waiting. Don’t know how much longer I can wait.”
Marami sa kanyang followers ang nagpahayag ng suporta kay Jinri.
May ilan sa mga ito ang nagsabing magsumbong na siya sa mga awtoridad.
Gawin kaya ni Jinri? Eh pano kung tuluyan siyang mawalan ng trabaho?
Hawig ito sa problema ni Ethel Booba na kamakailan lang ay ibinulgar na hindi pa rin siya diumano nababayaran ng production ng “Minute To Win It” at “Gandang Gabi Vice” ilang buwan matapos mag-appear siya sa mga shows na ito.
Hay naku! (DELIA CUARESMA)