Home » Entertainment » Takot makasakit

Takot makasakit

 

CARLO Aquino (FB)

CARLO Aquino (FB)

UMAMIN Si Carlo Aquino sa “Tonight with Boy Abunda” na maaari ngang nasaktan niya nang labis si Angelica Panganiban kung kaya’t may karapatan ito na magpahayag na hindi na siya nag-e-exist sa buhay nito.

Ani Carlo, “Kung nasaktan ko siya ganon ah karapatan niya ‘yun, kara­patan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman iyon at hindi ko dapat pigilan iyon.”

Nang tanungin kung pinaasa nga ba niya si Angelica na maaaring maging sila muli, hindi kaagad nakasagot ang aktor hanggang sa nasabi niya na lang ang mga katagang, “siguro po.”

Inamin ng aktor na mahal niya si Angelica pero mas gusto daw niyang maging friends na lang sila dahil na­tatakot daw siya na masaktan uli ang dating girlfriend.

Pagtatapat ni Carlo, girlfriend niya ang model na si Trina Candaza at ang huli rin ang naging dahilan kaya naud­lot ang kung anong merong sa kanila ni Angelica.

Dagdag pa ng aktor, na-meet niya si Trina bago mag-start ang movie nila ni Angelica. Hindi sila nagkita ng ilang buwan pero nag-reconnect muli at eventually naging sila. (DANTE LAGANA)

comments