Home » Entertainment » Julia Montes, magsalita na kaya?

Julia Montes, magsalita na kaya?

FRST first timer JUN NARDO

 

 

 

NAKABA­LIK na ng ban­sa ang young actress na si Julia Montes. Hindi siya nakakawala sa mga fans ng maispatan siya ng mga ito na nag-go-grocery sa Greenhills, San Juan.

JULIA Montes (FB)

JULIA Montes (FB)

Siyempre, nag­pakuha sila ng picture kasama si Julia na pinaunlakan naman ng huli. Kumalat ‘yon sa social media.

Matatandaang lumipad patungong Germany last year si Julia para mag­bakasyon at maka-bonding ang tunay na ama na si Martin Schnittka. Nakilala niya ang ama noon lamang 2016.

Eh, tumagal ang bakasyon kaya ku­malat ang tsmis na umano’y buntis si Julia at ang tinuturong tatay ng di­nadala niya ay ang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Nanganak na nga daw nitong Marso si Julia pero nanatiling tikom ang bibig niya pati na si Coco.

Magsasalita na kaya sila, fi­nally?

 

BATI NA

MARIAN Rivera

MARIAN Rivera

NAGKAAYOS na si Marian Rivera at ang una niyang man­ager sa showbiz na si Popoy Caritativo na manager din nina Dennis Trillo, Gabby Concepcion, Tom Rodriguez, Janice de Belen at iba pa.

Nagkahiwalay ang landas ni Marian at Popoy pero wa­lang malinaw na rason na nailathala ukol dito.

Eventually, naging manag­er ng GMAPrimetime Queen si Rams David ng Triple AAAmanagement.

Sa Facebook page ni Popoy namin nakita ang picture nilang dalawa na magkasama. May quote mula sa Bibliya ang dating man­ager.

“’When the time is right, I, the Lord, will make it happen.’ Isaiah 60:22,” nakalagay sa post ni Popoy.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Popoy na mayakap at makarga ang mga anak ni Marian na sina Zia at Ziggy.

Pawang positibong comments ang na­mayani sa comments mula sa followers ni Popoy.

n

comments