Home » Entertainment » Marian Rivera, Heart Evangelista, magkaayos pa kaya?

Marian Rivera, Heart Evangelista, magkaayos pa kaya?

timing box

 

 

NAKIPAGBATI na si Marian Rivera sa dati niyang manager na si Popoy Caritativo.

Nakipagbati na rin si Marian kay Lovi Poe.

Nangyari ito sa “Sunday Pinasaya” kamakailan kung saan nag-appear si Love to promote her new movie.

Nagbesuhan at nagtsikahan pa sina Marian at Lovi.

MARIAN Rivera

MARIAN Rivera

Nagkaroon ng isyu ang dalawa matapos magkaroon ng gusot between Marian and Heart Evangelista sa set ng “Temptation Island” noon.

Nagalit diumano itong si Marian kay Lovi dahil kampi daw ito kay Heart.

Anyway, inaabangan naman ngayon kung magkakaayos na sina Marian at Heart mismo. Bumilang na ng maraming taon ang alitan nila.

Inaabangan din makikipagayos si Marian kay Bela Padilla at Andrea Torres.

Parehong ang asawang si Dingdong Dantes ang pinagugatan diumano ng kanilang “cold war.”

Remember ‘yung CR incident kung saan diumano’y kinompronta ni Marian si Bela?

Si Andrea naman ay umalis sa Triple A na management company din ni Marian sa kasagsagan ng isyu.

Hay naku. Happily married na ngayon si Marian. Happy wife, happy life siya at ayaw na niya ng negativity. Maybe one day soon, mababalitaan na lang natin na nagkaayos na siya at ang mga stars na nabanggit namin.

 

LOVI Poe

LOVI Poe

NAIPAKILALA NA

Naipakilala na ni Lovi sa kanyang mommy ang boyfriend niyang British-scientist-filmmaker noong nagpunta ito dito sa Pilipinas. Naipasyal din ito ni Lovi sa iba’t ibang beach resorts. So far, nag-wo-work naman ang long distance relationship nila, ayon kay Lovi.

 

IKAKASAL NA

Sa Dec. 15 ang kasal ni Cavite vice-governor Jolo Revilla at Angelica Alita sa USA. Gusto na raw talagang magpakasal ni Jolo at magkaanak muli.

Eight years sila together ni Jodi Sta. Maria. Hindi niya ito mapakasalan dahil hindi pa annulled ang kasal ni Jodi sa ex-husband na si Pampi Lacson.

DENNIS Trillo and Jennylyn Mercado

DENNIS Trillo and Jennylyn Mercado

 

 

EXCITED

Excited ang JenDen fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa upcoming Valentine concert nila on Feb. 15. Titled “Co-Love Live.” Gaganapin ito sa New Frontier Theater.

First ever concert nila ito together. Marami ang nag-re-request na mag-concert ang couple since inilabas nila ang kanilang collaboration sa You Tube channel ni Jen. Super hit ang mga duet nila sa Co-Love.

comments