PATULOY ang pagpaparamdam ni Julia Montes nitong Undas sa pamamagitan ng pagbati sa kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin, na nagdiwang ng 38th birthday ngayon, Nov. 1.
Malaking bagay ito sa mga fans nila dahil ito ang unang beses na naglabas ng mensahe ang dalaga kay Coco na natsismis na ama ng kanyang anak.
Simple lang ang pagbati ni Julia kay Coco.
Kalakip ang framed picture ni Coco, aniya “HBD” na may face blowing a kiss at birthday cake emojis.
Last year pa huling nakita si Julia on TV via “Asintado.”
Makaraang magsara ito, lumipad agad siya patungong Germany para diumano ay makipag-bonding sa ama.
Di naglaon ay pumutok ang balitang buntis daw ito at si Coco ang ama.
Nanganak na nga daw ito sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City noong Marso.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi naglabas ng anumang pahayag si Julia at Coco tungkol dito. (DELIA CUARESMA)