WALA nang balak pang itago ni Morissette Amon ang totoong namamagitan sa kanila ni Dave Lamar.
Kung noon ay pasimple at patago ang kanilang relasyon ito nga at lantaran na nilang ipinangangalandakan ito sa mundo.
Nasa New York ngayon ang singer at nagbabakasyon.
Ang kasama niya?
Siyempre pa, walang iba kung hindi si Dave.
“Come away with me,” ani ni Morissete sa isang post kung saan makikitang hawak niya ang kamay ni Dave.
Sa isang litrato naman kung saan magkayakap sila, aniya, “mine.”
Bago mag-New York, nagpunta rin ang dalawa sa Singapore.
Ano kaya masasabi rito ng tatay ni Morissette?
Kailan lang ay naglitanya ito sa social media na ipinagpalit daw sila ni Morissette kay Dave na obviously, hindi siya boto for his daughter.
Dagdag pa ng naghihimutok na ama tila daw nakalimutan na lang sila ng ganun na lang ng anak mula ng makilala nito si Dave.
Tahimik pa rin si Morissette sa isyu magpasahanggang ngayon. (DELIA CUARESMA)