HEADLINE kamakailan si Apollo Carreón Quiboloy, ang self-proclaimed “appointed son of God” na leader din ng Kingdom of Jesus Christ.
Ito ay matapos niyang ipangalandakan na pinahinto niya ang malakas na lindol na nangyari sa Mindanao.
Ika niya dapat daw na pasalamatan siya ng mga tao roon dahil sa pagpapahinto niya sa lindol.
“Pasalamat kayo sa ‘kin, pasalamat kayo sa ‘kin. Kasi kung ‘di ko pina-stop ‘yun, marami kayong magigiba diyan. Mamamatay kayo. Kaya pasalamat kayo ako ang nagpa-stop ng lindol,” giit niya.
Ang siste, lumindol uli sa lugar pagkatapos ng kanyang proklamasyon, dahilan upang maging sentro siya ng pangungutya sa social media – bagay na sinawsawan naman ng sikat na komedyante at TV host na si Vice Ganda.
Biro ni Vice, dapat daw kabahan si Cardo, ang di mamatay-matay na karakter ni Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil baka si Quiboloy daw ang tatapos dito.
Hinamon din niya si Quiboloy na solusyunan ang trapik sa bansa.
“So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!”
“Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo yung traffic dun! Iba ka Quiboloy!”
Mas malupit kung mapagbati niya ang Barretto Sisters! Charot! (DELIA CUARESMA)