Home » Entertainment » Bianca Umali nakakatakot magselos

Bianca Umali nakakatakot magselos

 

BIANCA Umali (FB)

BIANCA Umali (FB)

NAKAKATAKOT naman palang mag­selos itong si Bianca Umali.

Ito ay kung totoo ang tsismis na nasagap namin, huh?

Nagkagulo daw sa isang mall kung saan ginanap ang premiere night ng bagong pelikula ni Ruru Madrid – diumano’y boyfriend ni Bianca.

Selos na selos daw itong si Bianca sa sweetness nina Ruru at leading lady nito na si Jasmine Curtis-Smith dahilan upang magwala daw ito to the point na muntik nang sagasaan si Ruru!

Although tahimik pa ang lahat ng involved, marami daw ang nakakita sa pang­yayari.

Tsk, tsk tsk…

Dati na daw pinagseselo­san ni Bianca si Jasmine dahil aminado si Ruru na crush niya ito.

May kuwento pa nga na winasak ng dalaga ang regalo ni Jasmine sa binata bilang pasasalamat sa maganda nil­ang partnership sa pelikula.

True ba ito, Bianca? Hu­wag naman sana. (DELIA CUARESMA)

comments