Home » Entertainment » Real or fake ba ang hinaharap ni Sheryl Cruz?

Real or fake ba ang hinaharap ni Sheryl Cruz?

 

SHERYL Cruz (IG)

SHERYL Cruz (IG)

UMANI ng sandamakmak na papuri si Sheryl Cruz nang mag-pose ito for sexy photos para sa isang online men’s magazine nitong Setyembre lang.

Gandang-ganda ang mga fans sa mga kuha ni Sheryl na sadyang mapangahas – something na hindi naman niya ginawa gaano noong kabataan niya.

May ilan na nagtanong naman kung pinaretoke ba niya ang hinaharap o sadyang lumaki ito ng natural.

Natawa rito ang 45-year-old na aktres.

Aniya sa report ng PEP, “Meron tayong mga late bloomers, tama ba? So, kayo na po ang bahala if you want to accept it or not.”

Diin pa niya, “Maraming may opinyon, so kayo na po ‘yung bahala. Basta ‘yung sa akin lang, ang alam ko lang, kung ano ‘yung ibinigay sa akin, iyon lang yung binigay sa akin!”

Aminado siyang nag-pose na rin siya nang naka two-piece noon pero, hindi pa nga ganun ka “blessed” ‘yung hinaharap niya.

Ngayon daw ay sobrang “blessed” na nga ang mga ito.

“Minsan nga, nahihirapan na nga ako because yung mga suot ko, di ba? Kahit na sabihin mong kasya sa akin, pagka medyo ano, hahapit, ang sakit, ang sikip!”

Eh bakit kasi nag-pose pa siya nang sexy?

“Kasi, kilala niyo naman siguro ako, na ayoko naman din na kahit papaano, mag-reflect na para bang hindi ko man lang inisip kung ano ang sasabihin sa family ko, or sa daughter ko. (Pero) ‘yung daughter ko ang pinakaunang naging proud! Sabi nga niya sa akin, ‘Mom, at your age, if you have the body, flaunt it!’”

Tama! (DELIA CUARESMA)

comments