Home » Entertainment » Anne Curtis buntis na?

Anne Curtis buntis na?

timing box

 

 

WALA namang masama kung buntis na si Anne Curtis. Pansin kasi ng madlang pipol na mukhang nasa interesting stage si Anne kapag pinapanood nila ang Kapamilya actress sa “It’s Show­time.”

ANNE Curtis (FB)

ANNE Curtis (FB)

Naka-preggy look si Anne noong isang araw at flat shoes. Maluwag ang black dress niya. Then, the day after, naka-blazer naman si Anne at panay ang takip niya sa kanyang tiyan na para bang may gusto siyang itago. Mababa ang heels ng suot niyang boots. Dati kasi, high-heeled boots or shoes ang suot ni Anne.

Sa isang interbyu, sinabi niyang anytime ay handa na siyang magbun­tis. Ayaw lang niya ‘yung kinukulit siya kung kailan. Abang-abang na lang. For sure, hindi naman ipag­dadamot ni Anne ang pagbubuntis niya, if ever.

 

SELOSANG GF

Parang confirmation na may relasyon talaga sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa pagdalo ng huli sa premiere night ng movie ni Ruru with Jasmine Curtis-Smith.

BIANCA Umali (FB)

BIANCA Umali (FB)

Balitang nagwala si Bianca pagkata­pos ng pre­miere night dahil diumano, nagselos siya kay Jasmine. Nagkaroon daw ng heated argument sina Ruru at Bianca sa parking lot ng Megamall. Muntik pa raw masagasaan ni Bianca si Ruru.

Marami nang sightings na mag­kasama sina Ruru at Bianca sa iba’t ibang lugar. Hindi naman siguro magseselos si Bianca kung wala silang relasyon ni Ruru.

‘Yung pagiging selosa ni Bianca ang hindi diumano natagalan ni Miguel Tanfelix noong together pa sila. Pinagselosan niya si Kyline Al­cantara noong nagkatrabaho silang tatlo sa GMA teleserye, “Kambal Karibal.”

Si Jasmine naman ang diumano’y pinagselosan ni Bianca. May boy­friend si Jasmine, kaya walang dahilan para magselos si Bianca.

Matagalan kaya ni Ruru ang pa­giging sobrang selosa ni Bianca?

 

LUIS Manzano

LUIS Manzano

B-DAY GIFT

Apo mula kay Luis Manzano ang gustong birthday gift ni Congress­woman Vilma Santos-Recto. ‘Yan ang sabi niya sa Facebook Live na ginawa ni Luis.

May name na kapag baby girl ang anak nina Luis at Jessy Mendiola, Emma Rose. Pag boy, Luke Philippe dahil Luis Philippe ang tunay na pangalan ni Luis.

Nauna pa ang name ng magiging baby nila, kesa kasal huh!

comments