Home » Entertainment » Sarah Geronimo, buntis na?

Sarah Geronimo, buntis na?

FRST first timer JUN NARDO

 

NAHIWAGAAN ang ilang showbiz peeps sa post ni Matteo Guidicelli sa Instagram.

Hinggil ito sa paghingi niya ng tawad sa mga magulang ng fian­cée na si Sarah Geronimo – sina Daddy Delfin at Mommy Divine.

Aniya, “Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not suppose to happen in the past I humbly apologize.

 

MATTEO Guidicelli with girlfriend Sarah Geronimo (IG)

MATTEO Guidicelli and Sarah Geronimo (IG)

“I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life and begin this new chapter of life.

“Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kay­ong magulang nya at mga kapatid nya. Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po aala­gaan ko si Sarah na ka­pareho ng pagaalaga nyo sa kanya,” bahagi pa ng caption ni Matteo sa masayang litrato nila ni Sarah.

Mas telling ang unang bahagi ng post ni Matteo. May sinabi itong, “I am extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G.”

Sabay habol pa ng, “Love, happi­ness, joy and LIFE must always be celebrated.”

Ang tanong: pahiwatig kaya ito na buntis na si Sarah?

Akala ng marami recent lang ang engagement ng dalawa pero binu-king ng young brother ni Matteo na matagal nang engaged ang dalawa.

 

SUBOK LANG

Nabunutan ng tinik ang Kapuso co­median na si Be­tong Sumaya matapos makum­pleto ang bayad sa naging utang sa credit card.

Sa ngayon, ang tinitirhang condo na lang ang bayarin niya.

BETONG Sumaya

BETONG Sumaya

Malaki ang utang na loob ni Betong sa showbiz dahil nakaluwag-luwag na siya pag­dating sa pera.

Halos lahat ng binibigay sa kanyang projects, tanggap lang siya nang tanggap para sa kanyang pamilya.

Ito nga at pati ang pagi-ging concert artist eh gagawin na niya.

Susubukan ni Betong kung magugustuhan ng mga tao ang kanyang angking galing sa pag-awit at pagsayaw sa unang-unang concert niya na gaganapin sa Nov. 21 sa Music Museum – ang “Try Ko Lang? Betong’s Amazing Concert.”

Pumayag na si Alden Rich­ards at iba pang bigating Kapuso stars na mag-guest sa show. Wish ni Betong na pumayag din ang kaibigan na si Marian Rivera na lu-mabas sa show.

Inaayos pa raw ni Yan ang schedule niya ayon kay Betong nang makausap namin.

comments