Good morning po Ms. Rica,
I just want to ask lang po ng konting information about orgasm. Hindi po kasi ako nilalabasan every time na magse-sex po kami. Do I need more pleasure po? And madali lang po kasi akong mapagod. We don’t use any birth control po. Pero hindi din po ako nabuntis kahit walang birth control. It takes years po ba bago ako mabuntis? O may diperensya po ba ako sa matris? Never pa din po akong nagpa-check up about these issues po. I hope masasagot niyo po ito.
Salamat po and God bless
Want A Baby
Hello Want A Baby,
Thank you for your questions. Sagutin ko muna ang una mong tanong. Kung hindi ka nag-o-orgasm kapag nagsesex kayo, ibig sabihin ba nito ay hindi ka nag-o-orgasm during penetration o hindi ka pa nakakapag-orgasm kahit kailan?
Normal lang na hindi mag-orgasm during penetration, pero madaming paraan para magawa ito. Ang importante ay mayroon kang clitoral stimulation para mas malaki ang chance na mag-orgasm. It does sound like you need to know what pleasures you more para malaman mo kung paano ka “lalabasan” during sexy time.
Kung madali kang mapagod, it may be helpful for you to buy toys that can do the work for you! Hindi mo na kailangan gumalaw at all! May mga vibrators na puwede mong gamitin para sa clitoral stimulation that could help you to orgasm.
You may also ask your partner to help you in stimulation – may it be through manual stimulation using fingers or oral sex. Sabi sa pag-aaral na ang oral sex ay isa sa mga paraan para makakuha ng intense na orgasm!
As for your next question, different factors can affect a woman’s fertility – time of the monthly cycle, medications o iniinom na gamot, emotional well-being, at kahit stress! Some women can conceive nang mabilisan lang, meron namang iba na taon ang binibilang bago sila mabuntis.
Hindi ibig sabihin na dahil hindi ka nabubuntis ay may diperensiya ka na agad. Kung hindi ka pa nagpapacheck, I suggest that you go see a doctor para mas makasigurado ka sa kung ano ang nangyayari sa iyo. Hindi mo kailangan mag-orgasm para mabuntis, pero siyempre, mas masaya kung may orgasm ka at you enjoy sex while you’re trying to make a baby! Good luck!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me on Twitter or Instagram: @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.