HOW true kaya ang tsika na diumano, break na sina James Reid at Nadine Lustre? May mga bagay-bagay daw na hindi nila mapagkasunduan since umalis si James sa Viva Artists Agency.
Ayon pa sa tsika, diumano’y tutol si Nadine sa pagtatambal nina James at Nancy McDonie ng Momoland sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.
Diumano, nagseselos si Nadine at naiinsecure kay Nancy. Afraid daw si Nadine na baka ma-fall si James kay Nancy.
Hindi kaya gimmick lang ang tsikang split na sila dahil may u p c omi n g teleserye si James with Nancy? May tsika namang diumano, parang ayaw na itong gawin ni James dahil nagseselos si Nadine.
PLANO NA
Mukhang malapit nang mag-propose ng kasal si Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Nag-post si Jessy sa socmed na may suot siyang eternity ring at heart-shaped diamond ring.
Nag-post ang BFF ni Luis na si Billy Crawford na sabihin daw ni Jessy kay Luis na totohanin na ‘yun. Si Luis ang nag-reply na aniya, nasa plano na niya talaga.
Wait na lang kung kailan magaganap ang marriage proposal ni Luis kay Jessy. Before the year ends kaya? O, early next year?
NEVER
Mapanindigan kaya ni Wendell Ramos ang sinabi niya sa isang interbyu na never na siyang babalik sa ABS-CBN? Mananatili na lang daw siya sa GMA7 kung saan may existing show siya.
Huling napanood si Wendell sa “Wild Flower” ng ABS-CBN. Then, balik-GMA siya na original home studio niya. Nag-work din si Wendell sa TV-5.
Aniya, walang bad blood between him and ABS-CBN, gano’n din sa TV5. Pero mas masaya siya magtrabaho sa GMA7 kahit wala siyang exclusive contract.
OK, fine!
DI PA KAYA
Hindi na talaga nag-e-exist si Carlo Aquino sa buhay ni Angelica Panganiban. Hindi pa rin niya ito kayang patawarin. Ito ang sabi niya sa “Tonight with Boy Abunda.”
Nang hingan siya ni Boy Abunda ng reaction na inamin ni Carlo na pinaasa siya nito, “Hindi naman. Siguro ang sinabi niya,” sagot ni Angelica. Sana’y tinanong ni Boy si Angelica kung totoo bang umasa siya na magkakabalikan sila ni Carlo.