Home » Entertainment » James Reid, Nadine Lustre break na?

James Reid, Nadine Lustre break na?

timing box

 

 

HOW true kaya ang tsi­ka na diumano, break na sina James Reid at Nadine Lustre? May mga bagay-bagay daw na hindi nila mapagkasunduan since umalis si James sa Viva Art­ists Agency.

NADINE Lustre and James Reid

NADINE Lustre and James Reid

Ayon pa sa tsika, diumano’y tu­tol si Nadine sa pagtatambal nina James at Nancy McDonie ng Mo­moland sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.

Diumano, nagsese­los si Nadine at nai­insecure kay Nancy. Afraid daw si Nadine na baka ma-fall si James kay Nancy.

Hindi kaya gim­mick lang ang tsi­kang split na sila dahil may u p c omi n g teleserye si James with Nan­cy? May tsika namang diumano, parang ayaw na itong gawin ni James dahil nagsese­los si Nadine.

 

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (IG)

LUIS Manzano and Jessy Mendiola (IG)

 

PLANO NA

Mukhang malapit nang mag-pro­pose ng kasal si Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Nag-post si Jessy sa socmed na may suot siyang eternity ring at heart-shaped diamond ring.

Nag-post ang BFF ni Luis na si Billy Crawford na sabihin daw ni Jessy kay Luis na totohanin na ‘yun. Si Luis ang nag-reply na aniya, nasa plano na niya talaga.

Wait na lang kung kailan maga­ganap ang marriage proposal ni Luis kay Jessy. Before the year ends kaya? O, early next year?

 

 

WENDELL Ramos (FB)

WENDELL Ramos (FB)

NEVER

Mapan­indigan kaya ni Wendell Ramos ang sinabi niya sa isang interbyu na never na siyang babalik sa ABS-CBN? Mananatili na lang daw siya sa GMA7 kung saan may existing show siya.

Huling napanood si Wendell sa “Wild Flower” ng ABS-CBN. Then, balik-GMA siya na original home studio niya. Nag-work din si Wen­dell sa TV-5.

Aniya, walang bad blood be­tween him and ABS-CBN, gano’n din sa TV5. Pero mas masaya siya magtrabaho sa GMA7 kahit wala siyang exclusive contract.

OK, fine!

 

 

DI PA KAYA

Hindi na talaga nag-e-exist si Carlo Aquino sa buhay ni Angelica Panganiban. Hindi pa rin niya ito kay­ang patawarin. Ito ang sabi niya sa “Tonight with Boy Abunda.”

Nang hingan siya ni Boy Abunda ng reaction na inamin ni Carlo na pinaasa siya nito, “Hindi naman. Siguro ang sinabi niya,” sagot ni Angelica. Sana’y tinanong ni Boy si Angelica kung totoo bang um­asa siya na magkakabalikan sila ni Carlo.

comments