Home » Entertainment » Iza Calzado, ayaw pang pabuntis

Iza Calzado, ayaw pang pabuntis

BY DELIA CUARESMA

 

IZA Calzado (FB)

IZA Calzado (FB)

TRABAHO muna bago anak.

Ito ang posisyon ni Iza Calzado sa ngayon.

Halos isang taon na silang kasal ni Ben Wintle at inip na nga ang mga fans na matagal nang hiling ang kanyang agarang pagbubuntis.

Well, matagal tagal na hintayan ang mangyayari dahil ani Iza, marami pa siyang gustong gawin at tapusin.

Sa kasalukuyan may dalawang pelikula na daw siyang ino-ohan.

At may TV series pa.

“So definitely hindi pa talaga ako puwede magbuntis,” aniya.

Okay lang ba kay Ben ito?

“Once, siyempre, my husband is like, ‘When is it going to happen?”

May pakundisyon pa nga daw ito si Ben na sana daw bago magtapos ang 2020 ay buntis na siya.

“Kung hindi baka sabunutan na niya ako, baka iwanan na ako,” Tawa ni Iza.

What if biglaan siyang nabuntis?

Giit ni Iza, “First of all, Idon’t want to be irresponsible because I’ve signed up for something. Ayokong nagbibigay ng sakit ng ulo.”

Paglilinaw niya pa, “Dahil pag may ipinagkatiwala sa iyo and you sign up for it, you do whatever i t takes for you to deliver. That’s how Iam with work. That is also how Iwill be with motherhood. When Icommit to it, Iwill do my very best to deliver one hundred percent. And if by doing so Ineed to take a break from acting, then Iwill. Di ba?”

Okay, fine!

comments