Home » Entertainment » Angelica Panganiban muntik mag-quit

Angelica Panganiban muntik mag-quit

BY DELIA CUARESMA

*

*

NAISIPAN daw ni Angelica Pangani­ban na tumigil na sa showbiz dahil sa pinakahuli niyang pinagdaanan.

Hindi binanggit ni Angelica kung ano ito nguni’t alam naman ng lahat ang naging sigalot nila ni Carlo Aquino.

ANGELICA Panganiban (IG)

ANGELICA Panganiban (IG)

Kuwento niya sa “Magandang Buhay,” “Ang nangyari sa ‘kin noon, gusto ko nang mag-quit at ayoko nang mag-artista. Parang naisip ko, ‘Okay na ako.’ Parang napakasakit nitong huling nangyari sa akin, parang ayoko ulit mag­palagay sa ganoong sitwasyon.”

Nahimasmasan lang daw siya noong nakapagbakasyon siya abroad.

“Feeling ko nung umalis ako, naka­pagpahinga ako, nakapag-isip-isip ako.

Doon ko na-let go yung kahit hindi mo siya matanggap na nangyari siya sa’yo, kahit papaano, na-let go.”

Marami rin ang tumulong sa kanya at nagbigay payo pero aniya, “Ikaw lang ang makakagawa ang tutulong noon sa sarili mo kahit anong sabihin talaga ng mga tao. Pu-push nila sa’yo na, ‘Tara, dito tayo’ or ‘eto gawin mo, ganyan…’ Ikaw pa rin naman ang masusunod, e. Ikaw pa rin ang may hawak ng mga desisyon kung ano yung gusto mong maramdaman.”

Ito ang dahilan kung bakit itinu­loy niya ang career.

“Na-realize ko, ‘Bakit ako ti-tigil? Bakit ako yung mahihiya, wala akong ginawa?’ Okay ako, nananahimik ako dito, may dumat­ing sa buhay ko and kailangan kong ituloy ang buhay ko. Hindi kailangan ako yung ma-depress. Kailangan ko siyang labanan.

“Doon mo mari-realize kung gaano ka talaga na-put down nung problema mo, kasi kinaya mo halos talikuran ang trabaho mo dahil doon sa pain, dahil doon sa trauma, di ba? Di niya deserve. Bakit ko ibibigay yung ganong pa­kiramdam sa kanila na parang ako yung natalo.”

Oo nga naman.

comments