Home » Entertainment » Bea Alonzo baka maging tomadera?

Bea Alonzo baka maging tomadera?

 

timing box

 

 

WORRIED ang fans ni Bea Alonzo na baka ma-influence ni An­gelica Panganiban na maging mangingi­nom din ang kanilang idolo.

Open ang pagiging “tomadora” ni Angelica. Drinking buddies nga sila ni John Lloyd Cruz noong together pa sila.

BEA Alonzo

BEA Alonzo

Naging super friends sina Bea at Angelica noong nagkatrabaho sila recently sa isang pelikula.

Sa Lie Detector Drinking Game nila bilang bahagi ng promo para sa kanilang movie ay nag-enjoy sila sa pagsagot sa mga tanong.

Kapag lumabas na nagsisinu-ngaling sila, need nilang uminom ng one shot ng alak.

Mukhang parehas nag-enjoy sina Bea at Angelica sa pag-inom.

Sa isang video naman na kuha sa isang resto-bar sa QC kung saan nagpunta ang cast members ng pelikula pagkatapos ng premiere night, mukhang parehas nakainom sina Bea at Angelica na enjoy sa pagsasayaw.

 

JOMARI Yllana (FB)

JOMARI Yllana (FB)

TAHIMIK

Tahimik pa rin si Jomari Yllana sa mga pahayag ng former partner niyang si Joy Reyes kaugnay ng diumano’y pag-iwan niya rito at sa dalawa nilang anak.

Mukhang sagad hanggang langit ang galit ni Joy na ipinagpalit siya nito sa isang older woman.

Ayon kay Joy, umalis siya sa kanyang trabaho dahil ‘yun ang gusto ni Jomari. Iiwan din pala siya nito, kaya na­momroblema ngayon si Joy kung paano niya bubuhayin ang dalawang anak.

Bahagi ng post sa socmed ni Joy: “IKAW NA!!! IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!”

 

DANIEL Padilla (Twitter)

DANIEL Padilla (Twitter)

AYAW MAGING KONTRABIDA

Sa interbyu kay Daniel Padilla sa “Tonight with Boy Abunda,” halata sa mga pananalita niya na hindi pa niya 100% tanggap ang relasyon ng kanyang momshie Karla Estrada at Jam Ignacio.

Pero dahil nakikita niyang masaya at super in love ang mama niya, ayaw niyang maging kontrabida sa pag­mamahalan ng mga ito.

 

VICKI Belo (FB)

VICKI Belo (FB)

MAGBABALIK NA

Feeling ni Dra. Vicki Belo ay malapit nang magbalik-showbiz si John Lloyd Cruz.

Nagkita at nagkau­sap sila noong kasal ni Vhong Navarro.

Post ni Dra. Vicki sa socmed, sinabi raw niya kay JLC na marami pa rin ang nakaka-miss sa kanya.

Grateful and humbled daw siya sa pagmamahal at loyalty ng mga ito, sabi raw ni JLC.

comments