Home » Entertainment » Megastar pinabulaanan ang paratang ni Digong

Megastar pinabulaanan ang paratang ni Digong

FRST first timer JUN NARDO

 

BINANATANG muli ni President Duterte si Sena­tor Kiko Pangilinan sa isang speech kamakai­lan.

Nadamay nga pati ang relasyon ng senador sa asawang si Sharon Cuneta.

Nalaman ni Sharon ang nangyari dahil ipinadala ng panganay nila ni Kiko na si Frankie na nasa New York ang bahagi ng report ng CNN Philip­pines hinggil dito.

Sa report, sinasabing, “In another attack against Senator Kiko Pangi-linan, President Rodrigo Duterte claims that the senator’s wife, Sharon Cuneta, wants the opposition leader out of their house.”

Caption ni Shawie sa screen shot ng balita na ipinost niya sa kanyang Instagram: “So this piece of news sent by Kakie kinda shocked me! I dunno if it’s true that the President, my “Tatay” really said this, and I haven’t been able to see or speak to him since my brother’s campaign for mayor!

PRESIDENT Duterte and Sharon Cuneta (FB)

PRESIDENT Duterte and Sharon Cuneta (FB)

“So I don’t know where this is com­ing from, honesty, if my husband and I separate, you’ll hear it from me!

“I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of the country.

“Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past.

“Please rest assured that this is fine with my family. My stress comes from other people and things but right now my family and marriage have never been happier.”

Kung okay lang kay Sharon ang tirada ng Pangulo, hindi para kay Frankie.

Buwelta nga nito sa Twit­ter na ha­latang may pagka-sar­castic, “Hala buti pa siya alam.”

At sa hamon ng Presidente na magre-resign daw siya kapag na­patunayan na nagsisinungaling siya tungkol sa hiwalayang Kiko at Sharon: “omg when he resigns ur welcome.”

Sa parte naman ng senador, inilabas niya sa kanyang social media account ang litratong magkayakap sila ng asawa ha­bang nasa kama.

comments