Home » Entertainment » Magaling

Magaling

BY DELIA CUARESMA

**

SANYA Lopez (IG)

SA dinami-dami ng mga leading man niya sa TV at pelikula, iisa lang ang magaling para kay Sanya Lopez pagdating sa espadahan ng dila.

Ito ay walang iba kung hindi si Rocco Nacino.

Simple lang ang dahilan ni Sanya. Ito ay dahil si Rocco ang nakauna sa labi niya.

Note, NBSB o No Boyfriend Since Birth ang dalaga.

Well, dati rin silang na link romantically ni Rocco, pero sayang nga lang at naudlot ang mga bagay bagay between them.

Masaya na ngayon si Rocco sa piling ni Melissa Gohing.

Loveless pa rin si Sanya pero mahal naman siya ng sanrekwa niyang fans na sadyang baliw na baliw sa kanyang angking kariktan.

In any case, ang sunod na target makahalikan, este, makapareha ni Sanya ay walang iba kung hindi si Alden Richards.

“Kasi nga parang sinabi ko before katulad ni Dingdong, si Kuya Dennis (Trillo) din na naka-partner ko na, siyempre maganda kung susunod din katulad nila,” sey niya.

Hmm, anong sey mo Alden?

comments