BY DELIA CUARESMA
—-
AYAW nang magsalita ni Coney Reyes hinggil sa mga sinabi ni Dina Bonnevie kamakailan sa isang presscon ukol sa kanilang nakaraan.
Doon, nabanggit ni Dina na si Coney ang dahilan kung bakit naging malapit siya sa Diyos, matapos magkapatawaran.
Open secret ang pagkakaroon nila ng hidwaan dahil sa iisang lalaki , s i Vic Sotto, dating asawa ni Dina na naging karelasyon ni Coney.
Nagkaroon ng supling si Vic at Coney, si Vico Sotto, kasalukuyang mayor ng Pasig City.
Pakiusap ni Coney, “Huwag na nating ungkatin ang nakaraan na almost thirty years ago. Tahimik na ang mga tao.”
Sa tinuran ni Dina na napalapit ito sa Diyos dahil sa kanya, aniya, “Maraming salamat. Pero usually naman, hindi lang iisang tao ang nakakatulong sa atin, marami naman. Pero maraming salamat.”
Pakiusap niyang muli na tila asiwa sa mga katanungan, “Tama na, kasi if I say something pa…”
Pakli pa niya, “Aren’t you happy for all of us? I’m very happy for them.”
Fine!