Home » Entertainment » Derek Ramsay, may kabit?

Derek Ramsay, may kabit?

BY RUEL MENDOZA

***

DEREK Ramsay and Andrea Torres

DEREK Ramsay and Andrea Torres

HABANG may enhanced community quarantine, hiwalay muna sina Derek Ramsay at Andrea Torres.

Ang siste, mukhang nasanay na itong si Derek na may kayakap.

Ito nga at umamin itong may “kabit” na siya dahil sa enhanced community quarantine. Huwag mag-alala mga fans dahil unan lang naman ito.

Galing Japan ang unan na kung tawagin ay athlete’s pole.

Ani Derek sa vlog niya, “Ito ang aking kabit. You might be wondering what this is. Kapag wala si Andrea, ito ang aking baby.”

Pinakita rin ni Derek ang mga bagay na hindi niya raw kayang mawala sa buhay niya kasama na ang necklace na bigay ni Andrea.

 

comments