Home » Entertainment » Sanib-pwersa!

Sanib-pwersa!

timing tmg tg

 

 

DAHIL sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 napilitang baliin nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang pangakong hindi sila magsasama ever for any project.

Sabay na lumabas kamakailan on national TV ang mag-asawa para mag-perform sa ginanap na “Pantawid ng Pagibig: At Home Together” isang digital concert na inorganisa ng ABS-CBN.

Kilig-kiligan ang mga fans nang mag-duet sila ng “You Are My Song.”

MATTEO Guidicelli with girlfriend Sarah Geronimo (IG)

MATTEO Guidicelli with girlfriend Sarah Geronimo (IG)

Noon pa man ay ayaw magsanib-pwersa ng dalawa. Ayaw daw nila mabahiran ng showbiz ang love story nila. Pero dahil sa coronavirus, pumayag silang mag-perform.

Ang kinita sa online fundraising concert ay ido-donate sa frontliners na buwis-buhay ang ginagawa kontra COVID-19.

Sa Facebook live session naman ni Matteo called “One Voice Pilipinas” ay umapela rin siya ng donasyon para makatulong din sa mga less fortunate na mga kababayan natin. Bago matapos ang live session ay umapir si Sarah bilang suporta sa project ng kanyang husband.

Take note, nakalikom si Matteo ng P3.4 million sa fund drive niya.

 

WALANG GANA?

LIZA Soberano and Enrique Gil

LIZA Soberano and Enrique Gil

Bagong gising ba, inaantok, o walang gana si Enrique Gil sa performance nila ni Liza Soberano sa “Pantawid ng Pag-ibig: At Home Together” concert?

‘Yan ang napansin ng televiewers habang kumakanta si Enrique na para bang walang kalatuy-latoy. Bukod dun wala pa sa tono!

 

comments