Home » Entertainment » Takot!

Takot!

BY RUEL MENDOZA

***

BENJAMIN Alves (FB)

BENJAMIN Alves (FB)

INAMIN ng aktor na si Ben­jamin Alves na hindi na siya lumalabas bago pa man ipatupad ang direktiba ukol sa enhanced community quar­antine. Ito ay dahil isa raw siyang “germaphobe.”

Alam daw ito ng mga taong kasama niya sa bahay, kaya sanay na raw ang mga ito sa pagiging maselan niya sa katawan.

Aniya pa, “Nowadays, be­cause I also read that the co­rona virus stays long on clothes, I get out of them and take a shower the moment I get home and change to clean house clothes.”

Dagdag pa niya, “With the danger of catching the virus, I’ve really become conscious of going to crowded places. I just stay home.”

Kahit ang hilig niyang mag-travel ay natigil dahil sa en­hanced community quarantine.

Sey ni Benjamin, “I was trav­eling in between tapings. Kahit three days lang ang bakante, I would travel. But with what’s happening now, hin­di muna ko mag-tra-travel.”

comments