Home » Entertainment » Ai-Ai delas Alas, praning?

Ai-Ai delas Alas, praning?

FRST first timer JUN NARDO

 

 

AMINADO si Ai-Ai delas Alas na pagdating sa kalinisan e, medyo OA siya sa ngayon. Ito nga ay dahil ingat na ingat siya sa kumakalat na coronavirus.

Bukod sa ini-spray-an niya ng disinfectant ang lahat ng ta­ong pumapasok sa bahay niya (!), nilagyan din ng Comedy Queen ng cover ang nakuhang quarantine pass mula sa kanil­ang barangay.

AI-AI delas Alas (IG)

AI-AI delas Alas (IG)

Caption ni Ai-Ai sa litrato ng binigay na ID: “Nilagyan ko ng plastic cover ‘yung Qpass ko para pwede ma-alcoholan anytime… praning is better than sorry na maaga ako ma-expired.

Message niya sa mga fol­lowers: “Ingat mga kababayan.. malalampasan din naten to after Holy Week may awa ang DIYOS…madidinig Niya ang mga hinaing at paghingi ng tawad at buburahin nya ang COVID.”

Tumulong din si Ai-Ai sa mga nangangailangan, huh! Nag-sponsor ito ng pagkain para sa mga frontliners galing sa kaibigan niyang may-ari ng isang ramen resto.

In any case, bahay muna ang beauty ni Ai-Ai. Ang panonood ng movies sa Netflix ang pinagkakaabala­han nito at asawang si Gerald Sibayan.

 

BINARA

ROCCO Nacino (IG)

ROCCO Nacino (IG)

Sinupalpal ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang ma­pan­g-in­sul­tong tweet ng isang netizen na, “Never akong manun­uod ng GMA show nyo wala kayong originality.”

Tweet pa ng netizen, ginaga­ya lang daw ng GMA ang ABS-CBN.

Well, hindi nagpaapekto si Rocco dito.

Banat niya, “Just doing our part to provide entertainment to our loyal viewers… alam ko nanonood ka rin ng mga videos namin. Aminin. Di na kailan­gang mag-compare, panoorin mo lahat para may magawa ka sa bahay.”

Depensa naman ng support­ers ni Rocco, fake ang account ng troll at “nanggugulo lang.”

comments