Home » Entertainment » Chito Miran­da napagsabihan

Chito Miran­da napagsabihan

BY DANTE A. LAGANA

***

CHITO Miranda (FB)

CHITO Miranda (FB)

DAHIL sa COVID-19 pandemic, no choice ang lahat kundi mag-stay at home. Pero taliwas rito ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miran­da. Nag-post nga ito kamakailan ng picture sa labas ng village nila sa kanyang Instagram.

Aniya sa caption, “Lakad lakad muna sa village. Hangga’t maaari, iwas muna tayo sa matataong lugar. Kung wala ka talagang choice, please be vigilant when it comes to keeping yourself, and the people around you safe and healthy.

“Medyo hassle talaga ‘to, but we all need to do our part para maiwasan ang pagkalat ng virus at makabalik na tayo lahat sa normal na pamamaraan ng pamumuhay.”

Hindi ito pinalagpas ng kanyang close friend na si Bubbles Paraiso.

Pinagsabihan nito si Chi­to: “This is discouraged. Stay home.”

Sumagot pa si Chito na wala na­man daw tao sa village nila.

Diin naman ni Bubbles, “Set an example to your followers. Stay at home.”

Obvious ang point ni Bubbles. Ang ending, tiklop si Chito.

Saad niya, “Gets…baka nga gayahin ng iba. Akala ko kasi basta iwas ka sa mga tao at wa­lang contact ok lang.”

Sumagot uli si Bubbles, “Yup. But yun nga. Set an example to your followers :) let’s flatten the curve so we can all walk (or in my case, run) outside na again. Small sacrifices.”

comments