Home » Entertainment » Herbert Bautista, balik-serbisyo

Herbert Bautista, balik-serbisyo

timing tmg tg

 

 

KAHIT hindi na mayor ng QC, aktibo si Herbert Bautista sa pagtulong sa iba’t ibang barangay doon sa paglaban sa COVID-19.

HERBERT Bautista (FB)

HERBERT Bautista (FB)

Bilang isang army reservist at Commanding General ng 1502nd Ready Reserve IB Philippine Army, naglibot si Herbert sa Bgy. Tandang Sora kasama ang kanyang team at ilang volunteers. Namahagi sila ng relief goods.

 

NAMAHAGI

WILLIE Revillame

WILLIE Revillame

Nagpunta si Willie Revillame sa resthouse niya sa Puerto Gal­era at namahagi ng relief goods sa iba’t ibang barangay doon. Sako-sakong bigas, canned goods, bottled water at ibang essentials na pangangailangan ng mga tao roon ang kanyang ipinamigay.

Nakipag-coordinate siya sa local officials doon para sa distri­bution. Ang panawagan ni Willie, manatili sa loob ng bahay. Sumu­nod sa mga tagubilin ng gobyerno.

 

MAY GF NA

ELMO Magalona

ELMO Magalona

Ipinaalam na ni Elmo Magalona sa socmed na may non-showbiz girlfriend na siya. Ry ang name ng girl na aniya ay “rock” niya.

Ipinost niya ang pictures nila together. Pretty ang GF ni Elmo, huh!

Nag-celebrate sila ng kanilang first anniversary noong Mar. 24.

Si Janella Salvador ang huling GF ni Elmo. Bad break-up ang nang­yari sa kanila. Diumano, physically abused si Janella.

Si Markus Paterson ang rumored boyfriend ngayon ni Janella.

comments