Home » Opinion » You can’t get pregnant from behind

You can’t get pregnant from behind

 

 

 

sxy rica cruz - sexy mind answers

Dear Ms. Rica,

Kagabi po dahil wala kaming magawa, nag-try po kami maganal sex ng boyfriend ko. First time ko po yun, tapos natakot po ako. Pwede ba ako mabuntis doon?

From Behind

 

Hello From Behind,

Congratulations sa first time mong pag-try ng anal! Kumusta naman ang experience? Sana maisulat mo dito at maibahagi natin sa ating sexy readers! :)

Strictly speaking, ang sperm na pumasok sa anus ay di pwedeng makabuntis. The only way na pwede kang mabuntis from anal play ay kung nag ejaculate ang boyfriend mo malapit sa iyong vaginal opening at nakapasok ang semen dito. Otherwise, walang chance na ikaw ay mabuntis kung anal sex lang ang iyong ginawa. Bakit?

Ang anal opening mo ay konektado sa iyong rectum (lugar kung saan naka-store ang iyong dumi bago mo sila ilabas) na part ng iyong large intestine. Ang large intestine ay isang organ na kabilang sa iyong gastrointestinal (GI) tract, which is essentially a long tube na galing sa bibig mo papunta sa anus. Ang ovaries, vaginal canal, cervix, uterus, at fallopian tubes ang bumubuo ng female reproductive system at hindi konektado sa iyong GI tract. Therefore, ang sperm na pumapasok sa anus ay hindi makakafertilize ng egg na nasa reproductive tract. Similarly, kung sa bibig pumasok ang sperm, hindi rin ito makakabuntis.

Pero kahit na hindi ito nakakabuntis, it is best that you know that transmitting sexually transmitted infections are higher through anal sex. Kaya dapat ay gumamit kayo ng safer and responsible sex techniques katulad ng paggamit ng condom. Hope that helps! Be safe in more ways than one!

With love and lust,

Rica

* * *

Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Sex and Relationships Therapist, Sex Educator. She opines that sexual empowerment for Filipinos is sexier than sex.

Follow her at facebook.com/TheSexyMind and facebook.com/ConservativeAko and @_ricacruz in Twitter and IG and subscribe to her podcast, bit.ly/conservativeako on Spotify. Join the Conservative Ako Community on Facebook for more advise on sex and love!

comments