ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Natapos ang ECQ sa maraming lugar sa Pilipinas at nagsimula ang MECQ last Saturday. Madaming naglabasan na mga litrato na traffic na at madaming mga tao sa mall. Nakakagulat kasi ang traffic na agad at nagpuntahan na ang mga tao sa mall. Hindi ko alam kung kailangan ba nila lumabas talaga o baka namiss lang talaga nila ang gumala. Naiintindihan ko kung talagang importante ang lakad nila pero kung namasyal lang sila, hindi kaya delikado ‘yun? Kaya nga ako sumulat sa inyo Tito Alex kasi baka may maganda kayong paliwanag tungkol sa mga nakita kong picture sa social media.
Glendy ng Japan
Hi Glendy,
Maraming salamat Glendy at kahit nasa Japan ka eh nakamonitor ka pa rin sa mga nangyayari sa Pilipinas. Bago ko sagutin ang tanong mo eh gusto ko munang punahin ang mga pictures na nakita mo sa social media. Nagtataka ako dahil kung nakuhanan nila ang traffic o kaya nakuhanan nila ang dami ng tao sa mall, ibig sabihin nasa labas din sila kaya kasama sila sa mga nirereklamo nila. At para sagutin naman ang tanong mo kung bakit nasa labas na agad ang mga tao kaya traffic at madaming tao sa mall, eto lang ang sagot ko. Hindi kasi masyadong napaliwanag sa mga tao kung ano ang ibig sabihin ng M sa MECQ. Modified ang ibig sabihin nun pero ang akala ng iba, M is for Mamasyal o kaya Mall! Eto naman ang M na dapat natin gawin para sa mga taong lumabas na wala naman importanteng gagawin. M is for Magdasal tayo na ligtas sila at wala silang mauuwing virus sa mga tahanan nila!
* * *
Hi Alex,
Importante ang face mask para sa hindi ka mahawaan at hindi ka makahawa. Pero napansin ko, maraming mga tao ang ayaw pa rin magsuot ng face mask?
Patty ng Alabang
Hi Patty,
May mga taong kaya walang suot na mask eh dahil walang pambili. Gusto nila pero wala silang pambili. Pero ang ibang may pera na ayaw magsuot ng mask, alam ko kung bakit! Kasi biruin mo, gumastos ka para ipaayos ang bibig mo at ilong tapos tatakpan mo lang ng face mask, ang saklap ‘di ba?! Kaya napansin mo, madalas babae ang nahuhuli ng pulis na walang face mask pero ang ganda ng lipstick! ‘Yan ang dahilan!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected] or facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007.
633382 64488Usually I try and get my mix of Vitamin E from pills. Although Id genuinely like to by means of a great meal plan it can be rather hard to at times. 681327
885957 887372hi, your site is genuinely very good. I truly do appreciate your give very good results 163855
128501 315385hi, your web site is fantastic. I truly do many thanks for operate 975888
405841 988747Some truly nice stuff on this web site , I it. 70876
294738 40239I surely did not realize that. Learnt a thing new nowadays! Thanks for that. 219056
https://otaroad.org/country/saudi-arabia/ – Saudi Arabia
533711 174716Thank you for your extremely excellent details and feedback from you. san jose car dealers 247989
275066 122724Outstanding post, I conceive blog owners should acquire a great deal from this blog its extremely user pleasant. 292741