Home » Entertainment » Paalala sa pasaway

Paalala sa pasaway

 

BY DANTE LAGANA

 

*

 

AI-AI delas Alas (FB)

AI-AI delas Alas (FB)

TILA sabik na sabik nang lum­abas sa kani-kanilang mga bahay ang mga Pinoy.

Marami ang hindi sumusunod sa panukala ng gobyerno na mag-social distancing at magsuot ng face mask.

Kaya naman ang isang kilalang mall sa South ay pinahinto ang pagbubukas ng kanilang alkalde. Balitang nagdagsaan kasi ang mga tao sa mall na hindi magka­mayaw sa pagpasok at mukhang wala sa bokabularyo nila ang pagsunod ng tama.

Hindi nakaligtas sa Kapuso comedienne na si Ai-Ai delas Alas ang mga matitigas ang ulo at mga pasaway nating mga kababayan. Kaya idinaan ni Ai-Ai sa kanyang Instagram ang kanyang pagpa­paalala.

Ayon sa kanya, “Paalala mga tatay nanay kuya ate … mahirap pag nag 2nd wave tayo .. mahirap din ang walang trabaho lalo na pag dumating na ang mga ba­yaran…patay! kaya pls po…wag na tayo pasaway.”

Sumangayon ang mga follow­ers ng komedyante dahil na rin sa takot na magka-second wave ang COVID-19.

May isa pa ngang nagcomment ng, “My 3rd wave pa kaya jan sa pilipinas pag ang mga pasaway eh lalo naging pasaway.”

comments