BY MELL T. NAVARRO
*
NASUNGKIT ni Judy Ann Santos ang Best Actress award sa 2020 Gawad TANGLAW (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw), sa kategorya ng Sining ng Pelikula.
Ang award-giving body na ito ay pinaparangalan ang mga “the best” – ayon sa kanilang panlasa – sa larangan ng pelikula, telebisyon, radio, at print media.
Nanalo si Juday para sa kanyang subdued yet effective performance bilang isang Muslim na asawa ng isang sundalo sa pelikulang “Mindanao” ni Direk Brillante Mendoza, na humakot rin ng maraming tropeyo sa MMFF 2019, including best picture at best actress rin.
Third win in a row na ito ni Juday dahil after MMFF ay nauwi niya rin ang kanyang first international best actress plum mula 41st Cairo International Film Festival na ginanap sa Egypt.
Nag-tie naman sa Best Actor category sina Allen Dizon (for “Mindanao”) at ang batang si Jansen Magpusao (for “John Denver Trending”).
Ang nasabing Cinemalaya 2019 award-winning film na “John Denver Trending” ay humakot ng awards sa Gawad TANGLAW including best picture, best director for Arden Rod Condez, best editing (for Benjo Ferrer III), best story and best screenplay (both for Condez).
Nagwagi naman bilang best supporting actress si Dimples Romana for “Persons of Interest” at best supporting actor si Joross Gamboa for “Hello, Love, Goodbye.”
Dalawang karangalan ang nakuha ng “Alpha: The Right To Kill” ni Direk Brillante – best cinematography for Joshua Reyes at best music for Diwa de Leon.
May Jury Award for Best Performance naman si Iza Calzado sa dalawang pelikula niyang “Culion” (MMFF 2019 entry) at “Pandanggo sa Hukay” (Cinemalaya 2019 film).
Gaganapin ang invitational awards night ng Gawad TANGLAW 2020 sa Sept. 20.