Home » Entertainment » Ai-Ai delas Alas, payag tapyasan

Ai-Ai delas Alas, payag tapyasan

 

BY JUN NARDO

 

*FRST first timer JUN NARDO

 

PAYAG si Ai-Ai delas Alas na mat­apyasan ang kanyang regu­lar talent fee kung sakaling pairalin ito sa pag-resume ng tapings at shootings.

“Kesa naman mawalan ng trabaho. Oo, payag ako kung mangyayari ‘yon,” saad ni Ai-Ai sa recent virtual presscon niya.

Si Ai-Ai ang latest member ng GMA Artist Center family. Sumakto ang pagpirma niya sa kumpanya sa 30th anniversary niya sa showbiz.

AI-AI delas Alas

AI-AI delas Alas

“Sa loob ng ilang taon ko sa GMA, nandoon talaga ang puso nila. Hindi ako nagkamali sa desisyon ko,” rason ng Comedy Queen.

Aniya pa, “Ayoko nang mag-artista noon dahil sa nang­yari sa akin. E, blessing ang pagtawag sa akin ng APT En­tertainment para sa ‘Sunday Pinasaya.’”

Hangga’t hindi pa nag­sisimula ang taping ng series niyang “Owe My Love,” patuloy lang siya sa pagbi-bake ng ube cheese pandesal na pinagkakakitaan niya habang may community quarantine.

Mensahe ni Ai sa fans niya, “Buhay pa po ako! Wala akong COVID! Ha! Ha! Ha!”

 

MAY BAGO

HANDOG ng GMA Network sa mga manonood ang high-qual­ity affordable Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na GMA Affordabox sa 70th an­niversary nila.

Ini-launch ito kamakailan sa “Wowowin” at namigay si Willie Revillame sa manonood, huh!

Sa halagang P888 ay makak­abili na nito para sa mas makulay at mas malinaw na panonood ng telebisyon.

comments