Home » Entertainment » Heart Evangelista, iwas-pusoy

Heart Evangelista, iwas-pusoy

 

BY JUN NARDO

 

*

 

FRST first timer JUN NARDO

KILALA si Heart Evangelista sa angking mamahaling gamit.

Mula sa kan­yang sinusuot na damit hang­gang sa muwe­bles ng kanyang bahay ay pawang de-kalidad ang ginagamit ni Heart.

Pero hindi ibig sabihin nito ay wala nang paki ang aktres kung saan nakuha o nabili ang mga ito.

Willing guma­mit ng peke si Heart kung kinakailangan, huh!

Napatunayan nga ito nang pansinin ng isang follower niya sa social media ang kuha ng lame­sang may mga paang tila gawa sa elephant tusk sa bahay niya.

Nang tanungin kung totoo ito, tugon ni Mrs. Escudero, “No way. Not real.”

Siyempre, alam ng Kapuso ac­tress na may batas na nagbabawal ng pagbili o pagggamit ng totoong tusk ng elepante.

HEART Evangelista (FB)

HEART Evangelista (FB)

Kasama ni Heart sa picture ang asawang si Governor Chiz Escu­dero na muli niyang nakasama matapos ang ilang buwan.

Nanatili kasi Gov. Chiz sa Sor­sogon upang tingnan ang na­sasakupang pro­binsiya.

Naiwan si Heart sa Manila kung saan nag­ing abala rin ito sa kanyang mga charitable ef­forts.

Samantala, sa hiwalay na post, inanun­syo ni Heart ang launching ng “Big Heart PH,” na ani­ya “A project that will help equip students in need with tools for them to be able to continue their education.”

Pakli niya, “I know this little project of mine will not be able to help everyone, but I know it will change the lives of those we are able to.”

Pinusuan ng fans ang post na ito ni Heart.

comments