Home » Entertainment » Ai-Ai: ‘Ako ay buhay!’

Ai-Ai: ‘Ako ay buhay!’

 

BY JUN NARDO

 

*

FRST first timer JUN NARDO

 

BUHAY na buhay si Ai Ai delas Alas! Lumabas sa isang blog site ang pagkamatay diumano ng Comedy Queen na pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan at dead on arrival daw sa hospital!

Deklara ni Ai-Ai sa kanyang Instagram kasama ang screenshot ng blog, “Ito po ay fake news…AKO AY BUHAY…”

“May kasabihan pag namatay ka daw sa balita or pag nanaginip kang patay ka na long life lalo…

AI-AI delas Alas (IG)

AI-AI delas Alas (IG)

“Buti nalang maganda ko sa picture kung hindi magagalit ako hahaha,” caption ni Ai-Ai.

Sa totoo lang, super ingat sa kanyang kalusugan ang Reyna ng Komedya. Kahit wala pang tapings o ibang trabaho, alaga ang katawan sa exercise. Patuloy rin siyang kumakain ng organic food kahit nitong pandemya, huh!

***

Dingdong Dantes (Instagram)

DINGDONG Dantes (IG)

Nalabanan ni Dingdong Dantes ang takot sa mga daga nitong quarantine. Aminado ang aktor na kinatatakutan niya ang mga daga!

Eh may umaaligid na daga sa kanilang lanai sa bahay. Nawala na ang takot ni Dong sa hayop at nakakaya na niyang harapin ito.

“Nakaya ko nang mag-stand off sa kanya ng mga at least three seconds kasi di siya umuurong.

“At least ngayon, meron na kaming mutual respect kasi inuurungan ko siya dati. Mukhang okay na naman kami,” kuwento ni Dingdong.

 

comments