Home » Entertainment » Kris on love life: ‘Habang buhay, may pagasa’ 

Kris on love life: ‘Habang buhay, may pagasa’ 

 

BY MELL NAVARRO

 

*

Mouthful box

 

Sa Question and Answer video ni Kris Aquino, kaugnay ng promo ng kanyang bagong weekly show na “Love Life With Kris” sa TV5, nagbigay ng mga katanungan ang ilang members ng entertainment press.

Isa sa tanong kay Tetay: Kung mabibigyan siya ng chance na makausap ang mommy niyang si dating Pangulong Cory Aquino at ang ama niyang si Senador Ninoy Aquino, ano ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang ?

“To my dad, thank you for believing that the dream could be possible. Kasi, siya talaga ‘yung naniwala that their baby could become who she is.

“And to my mom, I’m doing this for you… Because kung merong tao talaga who matters to me, na maging proud sa akin, it’s you!” sagot ni Kris.

Ano ang pinaka maipagmamalaki niyang nagawa niya sa buhay niya, at ano ang isang bagay na ginawa o sinabi niya na pinagsisihan niya?

Tugon ni Kris, “Ang pinaka-proud ako is that, hindi ako umasa lang.  Puwede kong sabihin talaga na, I sent myself through school.

“Ang buong college education ko, ako’ng nagbayad no’n.  Yes!

 

KRIS Aquino

KRIS Aquino

 

“Kasi, I wanted to prove to my mom na nu’ng pinayagan niya ako, hindi na niya ako kailangang bigyan ng allowance.

“At hindi niya ako kailangan (gastusan), na I could be a working student.

“My biggest regret was that I worked on Saturday nights, and I could have actually said no to those days, and join my mom para magsimba kami.

“So, doon ako nagsisisi. Kasi, sana, nabigay ko ‘yun, kahit ‘yun lang, sana, nabigay ko ‘yon sa kanya.

“Sa mga sinabi ko… Impulsive ako, eh.  So, ngayon ako natuto na there are things that are better left unsaid.  And now, I’m learning.”

May nagtanong kung kumusta nga ba ang “love life” ngayon ni Kris?

“Habang nabubuhay, huwag mawalan ng pag-asa. ‘Yun lang ang sagot ko.  Hahaha!” natatawa niyang sagot.

Ano naman daw ang masasabi niya na hindi rin nag-work ang relasyon ng ex niyang si James Yap sa Italian partner nito?

Saogt ni Kris, “Maybe, I have a new belief system.  Something that’s no longer involves me, I should never comment about.

“Because what’s part of my past should remain in my past, and what does not affect my life now, I should shut up about.”

Produced ng Positive Exposure Productions mula sa direksiyon ni Gab Valenciano, ang “Love Life With Kris” ay magsisimulang umere sa Aug. 15, Sabado, 5 p. m. sa Kapatid Network.

Sa social media, excited ang loyal fans ni Kris sa pagbabalik ng kanilang idolong matagal ring nagpahingang maging host on national television, and this time, stories of “hope” naman ang main concept ng bagong show.

 

comments