BY DANTE A. LAGANA
Mukhang hindi naging successful ang relasyon ng Kapamilya actor na si Joseph Marco sa Filipino-Italian beauty queen (former Ms. Earth 2018) na si Celeste Cortesi.
Matatandaang last October 2019 nang kumpirmahin ni Joseph ang status ng relasyon nila ng beauty queen. Parang kailan lang ang mga makukulay nilang post sa kani-kanilang social media accounts na pawang nagsipaglaho na.
Sa ngayon ay may bago nang nagpapaligaya kay Joseph sa katauhan ng isang Russian model na si Dasha Romanova. Sa post ng aktor sa kanilang mga photos sa kanyang Instagram tila nakahanap na siya ng forever.
Sey nga ni Joseph, “At times I would find myself crying with happiness. The moment you walked into my life I found a side of me I never knew I had. A side that would sacrifice everything for your happiness. I’ve never felt so safe and secured like this. Now I know that you’re the missing piece I’ve been trying to find. You bring so much joy and love to my life. I always look forward to being home to you and spending time with you. You have the sweetest and most loving heart. Thank you for loving me and accepting my love in return. I love you today and for all my tomorrows.”
Dahil sa bagong lovelife ni Joseph, may nagkomento na netizen na parang ang bilis daw yatang magpalit ng girlfriend ng aktor. Sinagot naman ito ng isa pang netizen na diumano mas nauna raw si ate gurl (Celeste).
Whatever the real score, sila Joseph at Celeste lang ang nakakaalam sa naunsyami nilang relasyon.
Samantala, sa bagong karelasyon ni Joseph ngayon kapansin pansin ang pagiging consistent ni Joseph sa kanyang saloobin. Sa pamamagitan ng Instagram post niya uli ipinapadaan ang kanyang nararamdaman sa Russian GF na tila sila ay nilalanggam na sa kasweetan.
Ang ilan nga dito sabi niya, “You are the one I’ve waited for.” Naks parang linya sa pelikula. Sagot naman ng Russian GF niya, “so promise you’ll never change.”
Pati paghahanda ng breakfast para kay Dasha ay excited ni Joseph. Wow! Well, harinawa nga na walang magbabago at magtagal ang kanilang relasyon. Yun na!