Home » Entertainment » Luis-Billy tandem, hindi natuloy

Luis-Billy tandem, hindi natuloy

 

BY ROWENA AGILADA

 

timing tmg tg

 

Sayang at hindi natuloy ang pagsasama nina Luis Manzano at Billy Crawford sa upcoming daily noontime show ng TV5.  Si Alex Gonzaga na ang makaka-tandem ni Billy.

Perfect combination sana kung kasama rin si Luis. Ang galing pa naman nilang mag-asaran ni Alex on-and-off camera.

Hindi kaya pinayagan ng ABS-CBN si Luis? O, desisyon niyang manatili bilang Kapamilya kahit nagsara na ang network?

BILLY Crawford and Luis Manzano

BILLY Crawford and Luis Manzano

Baka naman may bagong show si Luis sa Kapamilya channel o sa Kapamilya online?

Blessing kay Billy ang first baby nila ni Coleen Garcia na pinangalanan nilang Amari. May work na pagkakaabalahan si Billy.

Natutuwa naman ang netizens sa mag-asawang Billy at Coleen dahil hindi nila ipinagdadamot si Baby Amari. Mula sa panganganak ni Coleen, since day one ay ibinabahagi nila sa socmed ang photos ng kanilang baby. Araw-araw ay kinukunan nila ito ng picture, pati pagbi-breastfeed ni Coleen.

Feeling ng netizens ay kasama rin sila sa bahay ng Crawford couple at nakikita nila ang paglaki ni Baby Amari.

 

PRINSESA

alex gonzaga IG1

ALEX Gonzaga (IG)

Dating itinuturing na Prinsesa ng TV5 si Alex Gonzaga. Talagang ipinush ng network ang kanyang career. Ang gaganda ng projects na ibinigay sa kanya. Sa pagbalik niya sa network, mamayagpag kaya siyang muli?

 

DI KAKAYANIN

Carla Abellana Tom Rodriguez

CARLA Abellana and Tom Rodriguez

Isang araw pa lang nag-taping si Tom Rodriguez sa GMA drama anthology na “I Can See You,” aniya ay na-miss niya agad si Carla Abellana.  Noong lunch break nila’y tinawagan niya ito, pero hindi siya sinagot.

Sa isang interbyu, sinabi ni Tom na mas pipiliin niya ang lovelife over career. Hindi niya makakayang mawala sa kanya si Carla. Napag-uusapan na nila ang kasal, their future at mga magiging anak.

comments