Home » Entertainment » Ang saya!

Ang saya!

 

BY JUN NARDO

 

tv5

Pinatitibay ng TV5 kasama ang kanilang blocktimers ang mi­syon ng network na magdala ng bigger and better “Ber Months” para sa mga televiewers.

Unang pumasok as blocktimer ang Archangel Media ni Michael Tuviera. Sinundan ito ng Viva En­tertainment at ang latest ay ang Brightlight Productions ni former representative Albee Benitez.

Nakakalula ang line up ng shows na produced ng Brightlight ni Rep. Benitez.

Pawang pasabog ang konsepto at ang mga artistang tampok! Layunin ni Albee ang magbigay ng trabaho sa mga industry workers at maisantabi na ang network war.

Ilan sa shows mula sa Brighight ay ang “Sunday Noontime Live” na ngayong Linggo, Oct. 18 na ipapalabas. Tampok dito sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray at iba pa.

Susundan ito ng afternoon se­ries nina Beauty Gonzales, Jane Oineza at RK Bagatsing. May gag show pa na “Sunday Kada.”

Sa Lunes, Oct. 19, ay makikip­agbakbakan ang TV5 sa noontime slot. Ang panlaban nito ay “Lunch Out Loud” nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani at iba pa.

Abang-abang din tayo sa maga­zine show ni Korina Sanchez na “Rated Korina” at ang family sit­com ni Ian Veneracion na “Oh My Dad” na sa Oct. 24 mapapanood.

Ang saya-saya ngayon ng TV industry sa bagong siglang hatid ng TV5 at ng mga tested blocktim­ers nito!

comments