Home » Entertainment » Binatikos!

Binatikos!

 

BY JUN NARDO

 

 

Wala pang opisyal na kumpir­masyon mula kina Derek Ramsay at Andrea Torres ukol sa kanilang relasyon as of this writing.

Ayon sa tsismis, hiwalay na daw ang dalawa.

Nakatakda pa sana silang mag­sama sa isang bagong series na dahil sa balitang hiwalayan e, mukhang malabo na.

 

DEREK Ramsay and Andrea Torres

DEREK Ramsay and Andrea Torres

 

Samut-saring batikos ang inabot ni Derek sa social media dahil sa tsismis.

Hindi pinalampas ni Derek ang ilang negati­bong comment, huh!

Katulad ng isang neti­zen na nagsabing, “Tapos napo ang tikiman.”

Sinagot ito ni Derek ng maik­sing “Bastos.”

May isang ne­tizen naman na nagsabing, “Every girl na nila love team sa kanya ay nagiging gf niya.

Diin ni Derek, “There is no truth to what you are saying!!! Andrea is the only leading lady I had that became my girlfriend.”

Nasabi naman ang isang ne­tizen na, “I think he’s not into marriage.”

Saad ni Derek, “I think you are wrong.”

Sa hindi nakaaalam, nakasal na dati si Derek sa isang non-showbiz girl na kung hindi kami nagkakamali e ina ng kanyang binatilyong anak.

Upang makakuha ng reaction, nag-text kami sa manager ni Derek na si Jojie Dingcong but as of press time, wala pang reply sa amin si Jojie.

Abangers na lang tayo kung sino ang maunang magsasalita kina Derek at Andrea tungkol sa hi­walayan nila.

comments