Home » Entertainment » Matuloy kaya?

Matuloy kaya?

 

BY ROWENA AGILADA

 

 

JOHN Lloyd Cruz (IG)

JOHN Lloyd Cruz (IG)

How true kaya na may gagaw­ing sitcom si John Lloyd Cruz sa TV5? Diumano, magsisimula si­yang mag-taping ng isang sitcom sa December.

Ayon pa sa report, si Bea Alonzo ang napipisil maging leading lady ni John Lloyd.

Ang Brightlight Productions ang show producer at last Sep­tember ay pumirma raw ng kon­trata ang aktor.

Bukod sa sitcom, gagawa rin daw si John Lloyd ng pelikula un­der Brightlight Productions. Sa December din daw magsisimula ang shooting nito.

 

DEREK Ramsay and Andrea Torres

DEREK Ramsay and Andrea Torres

May 3rd party?

Third party nga ba ang dahilan ng diumano’y break-up nina Der­ek Ramsay at Andrea Torres?

Sa vlog ng isang netizen, diumano’y nakitang may ibang babaeng ka-date si Derek.

Nalaman daw ‘yun ni An­drea, kaya nakipag-hiwalay siya kay Derek.

May tsika namang ayaw daw ni Andrea makipag-live-in kay Derek.

May tsika din na diumano’y nakipagbalikan si Derek kay Angelica Panganiban.

Parang hindi ito kapani-paniwala dahil walang re­cord si Derek na nakipagba­likan siya sa kanyang ex-girl­friends.

 

billy1

BILLY Crawford

Di original

Hindi original ‘yung away prank nina Billy Crawford at Bayani Agbayani sa “Lunch Out Loud” sa TV5.

Nagawa na ‘yun nina Boobay at Tekla sa kanilang “The Boobay and Tekla Show.”

Gimmick pa more for rat­ings purposes.

comments