Home » Entertainment » John Estrada, pinuri si Pauline Mendoza

John Estrada, pinuri si Pauline Mendoza

By RUEL J. MENDOZA

 

Talented at hardworking ang pag-describe ni John Estrada sa Kapuso actress na si Pauline Mendoza.

Gaganap si Pauline bilang si Iris, ang anak ng karakter ni John sa upcoming GMA teleserye na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Tumatak kasi sa aktor ang husay ni Pauline sa pag-arte kaya pinupuri niya ito.

“’Babawiin Ko Ang Lahat’ is a father and daughter love story. Here with me is my daughter in the serye, no less than the very talented, very hard working, @paulinemendoza. So proud of you Pau, galing mo,” post ni John sa kanyang Instagram account.

Malaki naman ang pasasalamat ni Pauline sa kanyang co-stars sa suportang ibinibigay nila sa kanya.

Sey ni Pauline: “Lahat ng eksena ko halos everyday na umiiyak. Challenging talaga kasi very heavy ‘yung scenes namin. Pero siyempre with the help of veteran actors, thankful talaga ako kasi gina-guide nila ako.”

Sa February 2021 na ipapalabas ang “Babawiin Ko Ang Lahat” sa GMA-7.

comments