Home » Entertainment » Kailan kaya ang kasal?

Kailan kaya ang kasal?

By ROWENA AGILADA 

 
Finally, natagpuan na ni Ara Mina ang kanyang “the one.”

Engaged na siya sa non-showbiz boyfriend niyang si Dave Almarinez, Philippine Trading Corporation Undersecretary.

Dati  rin itong Board Member ng San Pedro, Laguna.

Sa isang interbyu last year ay inamin ni Ara na exclusively dating sila ni Almarinez.

Two years na silang magkakilala.

For the longest time ay single si Ara matapos silang maghiwalay ni Patrick Meneses, mayor ( or ex-mayor ba?)  ng Bulakan, Bulacan.

May anak silang babae named Amanda Gabriel (Mandy for short).

Sinabi noon ni Ara na kapag nakipag-relasyon siya muli, gusto niya’y mauwi na ‘yun sa kasalan.

So, this is it?

Wala pang detalye kung kailan at saan ang kasal nila ni Almarinez.

Bagay daw?

Ano kaya’ng reaction ni Andrea Torres sa pagli-link ngayon kina Derek Ramsay at Ellen Adarna?

November last year lang sila nag-break ni Derek na anila, walang third party involved.

May lumabas agad na report na nakitang may ibang kasamang babae si Derek, days or weeks matapos silang mag-break ni Andrea.

Na-link din ang aktor sa isang pretty model na ‘yun pala naman, nagpakuha lang ito ng picture sa kanya.

Na-link din siya kay Pops Fernandez.

Now, si Ellen naman.

Nag-host si Derek ng dinner party sa kanyang bahay  at invited si Ellen,pati sina Ruffa Gutierrez , John Estrada at ibang friends.

May mga advance mag-isip na baka may mabuong “something” daw between Derek and Ellen.

May ganu’n agad?

Kung sinabi ni Ellen na hindi sila compatible ni John Lloyd Cruz, kaya nag-break sila, iniisip ng ibang netizens na baka compatible sina Derek at Ellen.

Deserve raw nila ang isa’t isa dahil diumano parehas silang “players” sa pag-ibig.

Mukha raw parehas hindi sila seryoso sa pakikipag-relasyon at chill-chill lang sila.

Gano’n?

 

 

comments