Home » Entertainment » Neil Ryan Sese, laking pasalamat sa anak

Neil Ryan Sese, laking pasalamat sa anak

By RUEL J. MENDOZA

 

Proud ang aktor na si Neil Ryan Sese sa kanyang panganay na anak na si Kahlia dahil ito ang nagpatakbo ng kanilang seafood delivery business na K&G Seafood noong nasa one month lock-in taping siya para sa “Descendants of the Sun.”

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Neil ang 13-year old daughter sa pagtulong sa kanyang negosyo habang wala siya at nasa taping.

“Last November-December, I had a 26 day lock-in taping in Batangas. My daughter, Kahlia, handled and took charge of the orders during this time. So proud of her for taking this on and for assisting me with @k_gseafood. Great job, Kling! Thank you for helping me with our business and Daddy, as always, is really proud of you! I love you, sweet one,” sey ni Neil.

Nagkaroon ng K&G Seafood si Neil noong simula ng pandemic bilang paraan para kumita habang wala pa siyang showbiz projects dahil sa lockdown. Ang aktor din ang nagde-deliver ng food sa customers gamit ang kanyang bike.

Unti-unting nag-expand ang business ni Neil at nakapag-hire pa siya ng ilang tao na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown bilang riders.

comments