Home » Posts tagged with » Barangay Palatiw

Babae binaril, patay

Isang 39-year-old na babae ang natagpuang patay madaling araw kahapon sa Pasig City. Ayon sa pulis, ang biktima ay nakilalang si Grace Paña na taga Villa Sulit compund, Barangay Palatiw, Pasig City. Siya ay namatay sa isang tama ng bala sa kanyang ulo. Natagpuang nakahandusay siya sa Villa Rosa Street sa Barangay Sto. Tomas nina Robin Angeles at Julian Zafe. Ayon kay Angeles at Zafe, nakarinig sila ng putok at pagkatapos ay nakita nila ang dalawang lalaki na tumatakbong palayo. Ayon sa pulis, ang lugar na pinangyarihan ng krimen ay pugad umano ng mga drug addicts. (Betheena Kae Unite)