Home » Posts tagged with » Cold Chain Association of the Philippines

Cold store owners binalaan vs smugglers

Binalaan ni Senador Cynthia Villar ang mga miyembro ng Cold Chain Association of the Philippines (CCAP) laban sa mga smugglers na ginagamit ang ilang cold stores para sa kanilang mga iligal na aktibidad. Ginawa ni Villar, Senate Committee on Agriculture and Food chair, ang babala nang magsalita siya sa 14th Annual General Membership Meeting and Training Conference of CCAP na ginanap mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 10 sa Limketkai Luxe Hotel dito sa lungsod. Sinabi ni Villar sa mga delegado na nalaman niya ang masamang gagawin ng mga smugglers nang maglibot siya buong bansa para alamin ang dahilan ng talamak na smuggling.