FEELING old na si Ogie Alcasid dahil aniya, may boyfriend na ang panganay niyang anak na si Leila. She’s celebrating her 16th birthday sa isang yate sa Sydney Harbour sa Australia, kaya pupunta roon si Ogie. Paalis siya on Oct. 13.
Ayon kay Ogie, big deal sa Australia ang 16th birthday ng isang babae. Dito naman sa Pilipinas, kapag nag-18 ang isang babae, may bonggang debut party ang mga can afford.
Bilang isang mapagmahal na ama, bibigyan ni Ogie ng bonggang birthday celebration ang dalagang anak nila ng ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren. Gusto ni Ogie maging very memorable ang special event ng panganay nila. Ang isa pa nilang anak ay si Sarah na teenager na rin.
Kumusta naman ang pagtatrabaho niya sa TV5? “Okey! I’m very happy. Everything’s fine,” he said. Kahit daw pagod siya sa maraming trabaho, okey lang. “Gusto kong tulungang umangat ang TV5,” aniya pa.
Tatlo ang show niya, “The Mega and the Songwriter,” “Tropa Mo Ko Unli” at “The Gift” na magsisimula sa Oct. 14. “First drama series ko ito. I’m excited. Kakaibang Ogie ang mapapanood,” saad ni Alcasid.
Nagpa-HIV test
Nagpa-HIV test si Martin Escudero, not because may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang katawan or whatever. Boluntaryo niyang ginawa ’yun dahil aniya, gusto lang niyang makatiyak na wala siyang sakit. Negative naman ang resulta.
Sa bago niyang teleserye sa TV5, ang “Positive,” role ng isang HIV-positive man ang ginagampanan ni Martin. Siya si Carlo, isang call center agent. Nagbago ang takbo ng buhay niya nang nalaman niyang HIV positive siya. Hahanapin niya kung sino ang nakahawa sa kanya. Natatakot siyang baka nahawahan niya ang buntis niyang asawa.
Dahil sensitibo ang tema ng show, maingat at mabusisi ang paghahanda ng TV5 at ni Martin. Nag-acting workshops siya at immersions kasama ang mga HIV positive resource speakers ng AIDS Society of the Philippines.
“Nagpa-HIV test ako dahil gusto kong mapagdaanan ang proseso para maging makatotohanan ang pag-atake ko sa role. Gusto ko ring makatulong sa HIV awareness. Sana sa pamamagitan ng show namin ay maging mulat ang lahat tungkol sa HIV,” lahad ni Martin. “Positive” premieres on Oct. 17 at 8:30 p.m.
Historical docu-drama
Sa ancestral house ng mag-asawang Eulalio at Gliceria de Villavicencio nagte-taping ang cast ng “Katipunan,” topbilled by Sid Lucero and Glaiza de Castro. Sa Taal, Batangas ’yun at enjoy ang buong cast dahil sa malamig na klima.
Rich couple sina Eulalio at Gliceria na ibinahagi ang kanilang kayamanan sa binuong puwersa (Katipunan) noon ni Bonifacio.
Sid plays Andres Bonifacio, ang Supremo, at si Glaiza naman ay gumaganap bilang Gregoria de Jesus, asawa ni Andres at Lakambini ng Katipunan. Kasama rin sina Benjamin Alves, Dominic Roco, Mercedes Cabral, Roi Vinzon at Nico Antonio. Sa direksiyon ni King Mark Baco, historical drama documentary ang “Katipunan.” Eight-part episode ito tungkol sa buhay at pag-ibig ni Andres Bonifacio at ang pagtatatag niya ng KKK (Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Hatid ng GMA News and Public Affairs, mapapanood ang “Katipunan” simula sa Oct. 19 at 10 p.m. sa GMA7.